Sorsogon bishop pabor sa two-party system

PABOR si Sorsogon Bishop Arturo Bastes na muling ibalik ang two party system sa bansa.

Ang pahayag ni Bastes, kaugnay sa pagsasanib-puwersa nina Vice President Jejomar Binay at dating pangulong Joseph Estrada at iba pang political party.

Ayon kay Bastes, malaki ang bentahe ng two party system dahil nalalaman ng tao ang malinaw na plata porma de gobyerno ng dalawang partido kumpara sa maraming political party na maliban sa nakakalito ay hindi malinaw ang nais o mga plano nila sa bansa.

Inihayag ng Obispo na marami ang nagtatatag ng political party dahil sa pansariling interes lamang.

“I would prefer two party system because you know magulo ang too many political parties,” bahagi ng pahayag ni Bastes.

“Ang advantage nito, since we have a Presidential system, makikita ng tao ang malinaw na plata porma de gobyerno ng dalawang partido. Kapag maraming partido kasi di mo alam kung anu ang totoo sa flat forms nila. unclear flat form,” aniya pa.

Una nang binatikos ng obispo ang maagang pamumulitika ng traditional politicians na dapat ay tumutugon sa samu’t saring problema ng bansa at hindi ang eleksyon dahil next year pa naman ito magaganap.

Tinuligsa rin nito ang pare-parehong mukha ng mga kandidato na maagang pumuporma para sa 2012 midterm elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply