Sosyal!… Dalawa raw ang film fest movie ni Nora Aunor!

NAKATAKDANG umalis patungong Tawi-Tawi bukas ang Superstar na si Nora Aunor para mag-shoot ng kauna-unahang pelikula na pagtatrabahuan nila ng international award winning director na si Dante Brillante Mendoza.

Makakasama muli ni Ate Guy sa movie ang leading man niya rati sa Tatlong Taong Walang Diyos na si Bembol Roco, gayundin sina Lovi Poe at Mercedes Cabral. Lahat sila ay gaganap bilang mga Badjao.

Mananatili ang buong cast and crew sa Tawi-Tawi hanggang April 30. And for security reasons, 24-hour din ang nakabantay sa kanilang mga sundalong military during the entire shooting days.
Mauunang ipalabas sa ibang bansa ang movie at baka bandang July pa raw maipalabas ang movie ni Ate Guy rito sa Pinas.

After ng bonggang launching ng Noranians Worldwide (NOW) nu’ng Lunes, kung ‘di nagkaroon ng aberya ay nailagay na ang hair extension ni Ate Guy. Kailangan kasi na mahaba ang buhok niya sa movie at ayaw naman ni Direk Brillante na wig ang gamitin ng aktres.

It was Ate Guy’s “newest” manager from TV5 na si Noel Ferrer ang nag-announce ng mga projects na gagawin ng Superstar for this year sa launching ng pinagsama-samang fan clubs ng aktres sa NOW launch.

Sa naganap na launching ng NOW, umulan ng cash prize sa raffle at ginawang pa-contest ng mga Noranians. Bukod sa mga appliances na papremyo gaya ng washing machine, pati na ang mountain bike, nag-uwi rin sila ng tig-30K, P20K at P10K na regalo sa mga masu-swerte. Bukod d’yan, nagbigay rin si Ate Guy ng P100K bilang seed money para sa NOW.

Susuportahan naman ni Ate Guy ang pagpapalabas sa teatro ng ‘di malilimutang mga pelikula niya gaya ng “Bona” na pagbibidahan ni Eugene Domingo at “Bakit Bughaw Ang Langit” nina Edgar Allan Guzman at Katherine Luna. Gagawa rin daw ng isang stage play si Ate Guy.

Sa nalalapit na kaarawan ng Superstar on May 21, may malalaking aktibidades ang naka-plano.
Baka by that time matapos na ni Ricky Lee ang librong ginagawa niya para sa talambuhay ni Ate Guy at magpapa-feature writing contest din para sa entertainment press tungkol kay Ate Guy.

Maglalaaan ng isang araw para sa no-holds barred interview na gagawin ng entertainment press kay Ate Guy. Doon ay magkukuha na rin ng pictures ang mga photograher para sa photo contest din na magaganap.

And by December, ‘di malayong maging dalawa ang movie ni Ate Guy sa 2012 Metro Manila Film Festival. Una ‘yung El Presidente with Laguna Governor Jorge “ER Ejercito” Estregan at ‘yung isa ay produced naman ng TV5.

This is not the first time na mangyayari ang ganito sa premyadong aktres. Kung inyong matatandaan, ilang taon din noon na laging dalawa ang entry ni Ate Guy sa Metro Manila Film Fest kaya madalas nahahati rin ang boto sa kanya for Best Actress.

Naka-schedule rin ang pagpapagamot at pagte-therapy ni Ate Guy sa US upang maibalik ang kanyang boses. May pinaplano kasi ang TV5 na isang musical special in celebration of her 45th anniversary in showbiz.

Sa Boston magpapagamot si Ate Guy dahil doon daw naka-based ang kanyang doktor. Pero sa ibang lugar sa US magaganap ang therapy niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply