SPD: 1 residente ng Silverio compound positibo sa ‘paraffin test’

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) na maging ang mga residente ng Silverio Compound na nanlaban sa pulisya ay nagpaputok rin ng baril makaraang magpositibo sa “paraffin test” ang isa sa mga 30 inaresto na katao.

Bukod sa mga naunang kasong “disturbance of public order, resistance and disobedience on a person in authority, alarm and scandal” ay inihahanda rin ng pulisya ang pagsasampa ng kasong “indiscriminate firing” laban kay Dick Etrata y Primo, na siyang nagpositibo sa “gun powder nitrate” sa kamay.

Sinabi ni Parañaque Police-Investigation head, P/Chief Insp. Enrique Sy, maaaring kabilang si Etrata sa mga residente na nagpaputok sa hanay ng mga pulis at maaaring nakatama rin sa mga kapwa nila nagpoprotesta sa kasagsagan ng karahasan sa demolisyon sa Silverio Compound nitong nakaraang Lunes (Abril 23) tulad ng namatay na si Arnel Leonor Tolentino.

Nadiskubre naman sa isinagawang awtopsiya sa bangkay ni Tolentino na isang bala ng “handgun” ang nakatama dito at hindi buhat sa “long firearms” na gamit ng mga tauhan ng Parañaque Special Weapons and Tactics unit kaya maaaring kapwa residente rin ang nakatama dito.

Sa 30 residente na sinampahan na ng patong-patong na kaso wala pa sa mga ito ang naghahain ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan at patuloy na mga nakaditine sa Parañaque detention cell.

Patuloy pa rin namang kinikilala ng binuong Task Force ng SPD ang mga naging instigador o pasimuno sa naturang karahasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply