Spurs kumadena ng panalo

NAGPAHINGA muna si Tim Duncan kaya naman nagtuwang sina Manu GinobiliTony Parker upang dispatsahin ang Cleveland Cavliers, 114-98 kaninang umaga sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bumomba ng 20 puntos at tig-tatlong assists at rebounds si Ginobili upang makaalagwa ang Spurs sa top spot ng Western Conference standings na may 47-16 win-loss card.

”We want to clinch as soon as possible,” ani Ginobili. ”Tomorrow we have a good game here, so we’re going to trying to play our best and keep improving. We have room for improvement, where we can pick up the aggressiveness. We want to try and
set the pace for the playoffs.”

Sa assists umarangkada si Parker na tumikada ng siyam at may kasamang anim na puntos, habang si Spurs bench player Stephen Jackson ang sumegundo sa opensa matapos magtala ng 17 markers, five boards at three assists.

”Any time we get a chance to rest Tim and Tony doesn’t play that much and we get away with a win, that’s always a plus,” sabi ni Jackson. ”As long as we take care of business and continue to build and not take steps back, we’ll be all right.”

Kumadena ng pitong sunod na panalo ang Spurs kaya naagaw nila ang No. 1 spot sa dating may hawak na Oklahoma City Thunder.

Samantala, nilugmok na Los Angeles Lakers ang Thunder, 114-106 sa double overtime.

Nasa pangalawang puwesto ngayon ang Thunder sa WC na may kartang 46-18 panalo-talo habang pangatlo ang Lakers na may 41-24 card.

Sa ibang NBA resulta, nakatakas ang New York Knicks sa matatalim na kuko ng Atlanta Hawks, 113-112 habang pinaso ng Miami Heat at Houston Rockets, 97-88.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply