Stand-off sa Pinas vs China pakialaman na

NANAWAGAN ang ilang mambabatas sa United Nation (UN) na makialam at resolbahin na ang panghihimasok ng ilang chinese vessel sa teritoryo ng bansa sa Scarborough Shoal.

Binigyang diin nina Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dapat nang maresolba ang stand-off sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa pag-aangkin sa Scharborough Shoal.

Ayon sa mga kongresista, nilalabag na ng gobyerno ng China ang UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na isang international laws na dapat na nirerespeto ng mga miyembro nito.

Suportado rin nina Biazon at Evardone ang paghahain ng diplomatic protest ng gobyerno bunsod sa panghihimasok ng ilang chineses vessel sa teritoryo ng bansa sa Scarborough Shoal.

Ito ay dahil sa ganitong paraan lamang anila gagana nang husto ang diplomatic channels upang hanapan ng solusyon ang stand off.

Giit pa nina Biazon at Evardone na ito rin ang tamang hakbang upang ilaban ng bansa ang pag-aari sa lugar na pinasok ng mga chinese na malinaw na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng PIlipinas.

Sa ngayon, ayon sa dalawang kongresista ay wala pang dapat na ika-alarma sa nasabing stand-off dahil halatang iniiwasan ng magkabilang panig na gumawa ng anumang hakbang na maaaring gumatong sa tension.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply