Stude nalunod sa initiation rites, patay

SIMULA na ngayong araw ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang binatilyong estudyante nang malunod sa ilog habang idinaraos ang initiation rites ng isang fraternity sa Cagayan province.

Ito ay dahil may nakalap na impormasyon ang pulisya na pinainom muna ng alak o nilasing muna ang biktimang si Jaylord dela Cuesta, 14-anyos, 2nd year high schooo student ng Camasi National High School bago pinalangoy sa ilog sa Peñablanca town nitong nakaraang Linggo (Abril 1)

Hindi naman makumpirma pa ng pulisya kung ang nagkasa ng fraternity rites ay miyembro mga ng fraternity sa nabanggit na eskuwelahan pero tiniyak na pananagutin kung masisilipan ng ebidensya ang mga nagkasala.

Lumabas sa pagsisiyasat na kabilang si Dela Cuesta sa ilang mga neophytes na mga estudyanteng lumahok sa hindi malamang fraternity sa kanilang eskuwelahan.

Nabatid din na bahagi ng initiation rites ay ang pagpapainom ng alak sa mga bagong saling miyembro at saka pinalangoy sa ilog.

Sa kasamaang palad, hindi nakayanan ni Dela Cuesta ang malakas na agos ng tubig sa ilog kaya nalunod, ayon pa sa ulat.

Natagpuan ang bangkay ni Dela Cuesta ng mga tauhan ng rescue operations sa probinsya  ilang oras matapos itong tangayin ng malakas na agos ng ilog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply