Sundalo aksidenteng nabaril ng kainuman

AKSIDENTENG nabaril ang isang sundalo ng Philippine Army ng kanyang kainuman sa Ilocos Norte.

Nabatid na nag-iinuman sina Private First Class Emil Maneja, 24, at kaanak nitong si Zaldy Pudiket, 40 kasama ang ilang kapitbahay sa Barangay Parado, Dingras nang mangyari ang aksidente.

Unang hiniram ni Maneja ang kalibre .45 na baril ni Pudiket at pinaputok ito.

Matapos maibalik ang baril, pinaputok din ito ng suspek sa pag-aakalang wala na itong lamang bala.

Tinamaan ang sundalo sa dibdib, na ginagamot pa rin ngayon sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital.

Nakatalaga si Maneja sa Fort Bonifacio, Taguig City at nagbabakasyon lang sa probinsya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply