Sundalo kritikal sa boga ng utol na parak

KRITIKAL ang dating sundalo ng Philippine Marines nang barilin ng kanyang sariling kapatid na isang tauhan ng Makati City Police makaraang mauwi sa mainitang pagtatalo ang dati na nilang alitan hinggil sa mamanahin na lupa at bahay kagabi sa Pasay City.

Patuloy na ginagamot sa San Juan De Dios Hospital sanhi dahil sa tama ng bala sa likod at tiyan si Victor Francisco, ng 147 P. Santos St., Malibay, Pasay habang hinahanap pa ang kanyang kapatid na si PO2 Aquino Francisco, Jr. na tumakas makaraan ang pamamaril.

Sa report ni PO3 Rodolfo Suquina ng Investigation Division ng Pasay police, matagal nang may alitan ang magkapatid kaugnay sa naiwang bahay at lupa ng kanilang namayapang amang si Aquino Francisco, Sr. na kasalukuyang tinitirhan ng biktima at ng iba pa nilang kapatid.

Dakong alas-10:30 kagabi nang muling sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng magkapatid hanggang bumunot ng baril ang pulis at dalawang beses na pinaputukan ang biktima na nasa impluwensiya ng alak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply