Sunog sa Rizal: 3 patay, 5 bahay naabo

TINATAYANG tatlo ang patay habang limang bahay ang naabo sa sunog sa San Mateo, Rizal kaninang madaling-araw, Abril 6.

Nakilala ang mga nasawi na sina Esperanza Gamboa, 65, James Bolaños, 12, at ang 10-taong gulang na si Ian Marko James Bolaños.

Sinasabing nagmula ang apoy sa naiwang de-uling na lutuan sa kusina ni Gamboa bandang pasado alas-2:20 ng madaling araw.

Pasado alas-3:45 ng madaling araw na anng tuluyang matupok ang apoy.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang pinsala ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply