Suspek pa sa Maguindanao massacre nadakip

NASAKOTE ng militar ang isa pang suspek na sinasabing kasama sa 2009 Maguindanao Massacre sa lungsod ng Cotabato.

Patungo ng Cotabato City si Zacaria Akil sakay ng isang pampasaherong van nang maharang sa isang checkpoint ng Philippine Marines sa lungsod.

Hindi nakaalma ang suspek at maayos naman itong sumama sa mga awtoridad na may hawak ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Judge Jocelyn Reyes.

Matapos maisagawa ang tactical interrogation sa suspek nai-turn over ng Marine Battalion Landing Team 7 (MBLT 7) sa pangunguna ni Lt. Col Noel Buncab ang suspek sa CIDG ARMM.

Si Akil ang pang-99 na suspek sa Maguindanao massacre.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay isa ring suspek ang inaresto ng PNP ARMM sa Cotabato City na kinilalang si Sonny Pendi, 28 anyos at residente ng Shariff Aguak Maguindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply