Suspek pa sa Maguindanao massacre tiklo

ISA na namang suspek sa Maguindanao massacre kung saan 57 katao ang namatay, kabilang ang may 32 kasapi ng media ang nadakip ng pulisya sa Cotabato.

Kinilala ni Army Col. Prudencio Asto, chief ng Public Affairs Office ng 6th Infantry Division ang suspek na si Sonny Pandi, 37, ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Siya ay inaresto ng operative units ng RIU ng PNP-ARMM, alas-2:30 ng hapon kahapon habang papalabas sa Sardonyx Plaza.

Si Pandi ay may tatlong warrant of arrest na ipinalabas ni Quezon City RTC Judge Jocelyn Reyes na may kaugnayan sa Maguindanao massacre.

Hindi naman nagpakita ng resistance sa panig ng suspek na agad dinala sa headquarters ng PRO-ARMM at ngayon ay inilipat na sa kustodiya ng CIDG-ARMM.

Nagdulot naman ng pangamba at pagkabigla sa mga residente ng lungsod ang isinagawang operasyon ng PNP-ARMM dahil sa wala umanong isinagawang koordinasyon sa Local Law Enforcement Agency sa lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply