Suspek sa N. Cotabato bus explosion tukoy na

NATUKOY na ng Philippine National Police ang grupong may pakana sa pambobomba sa Rural Transit Bus sa bayan ng Carmen sa North Cotabato kung saan dalawa katao ang namatay at ikinasugat ng 17 iba pa.

Ayon sa PNP, ang mga nahuling suspek ay miyembro ng Al Khobar Extortion group.

Naghahanda na ang PNP para masampahan na ng kaso ang dalawang suspek na kinilala ng testigo.

Nasa kustodiya na ng PNP ang naturang testigo na nakakita sa mga suspek na may bitbit ng karton na ipinasok ng dalawa sa loob ng bus.

Ayon sa ulat, isa sa mga suspek ang naglagay ng bomba sa bus at isa naman ang nagsilbing look-out.

Nabatid na sumakay ang dalawang suspek mula sa Kabacan Terminal at pinasabog ang bus pagsapit sa terminal ng Carmen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply