Suspek sa pumatay sa mga sekyu ng Banco Filipino owner dumarami

WALONG katao na ang nakikitang suspek ng Las Piñas police sa pagpatay sa tatlong tauhan ni Banco Filipino owner Bobby Aguirre.

Ito ay batay sa isinagawang inspeksyon ng pulisya sa lugar na nagsasabing dalawang grupo ang nakikitang responsable sa krimen.

Ayon kay Las Piñas police chief S/Supt. Romulo Sapitula, malaking tulong din sa kanilang imbestigasyon ang hawak nilang CCTV camera kung saan nakunan ang dalawang kotse at motorsiklo nang mangyari ang pamamaril sa loob ng ekslusibong subdivision sa BF Homes.

Una nang nakikitang anggulo ng PNP ang posibleng away ng guwardiya at dating tauhan ni Aguirre na ikinamatay ni retired SPO2 Melvin Bataca, SPO2 Luisito Macatunao at guwardiyang si David Mandera.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply