Tagilid si Binay sa iba pang confidential memo

MUKHANG hindi maganda ang naging bunga ng pahayag ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa plano niyang pagtakbo bilang Pangulo sa 2016 at sa patuloy na paglakas nang itinayo niyang partidong United Nationalist Alliance (UNA).

Simula kasi nang ipahayag niya ang kanyang plano ay nagsimula nang kumilos ang ilang grupo upang gibain siya at sirain ang kanyang relasyon kay Pangulong Noynoy.

Ang pinakahuli nga sa mga atakeng ito ay ang lumabas sa news website na Rappler na kung saan ay nag leak ang confidential memorandum na ipinadala niya kay Pangulong Noynoy noong Enero 3, 2011.

Ang memo ay may kaugnayan sa kaso ni dating military comptroller Carlos Garcia na kung saan ay pinalilitaw sa ulat ng website na parang inaayos niya ang kaso at kinakampihan niya ang dating heneral.

Bad trip si Binay dahil hindi nilinaw sa ulat ng Rappler na pinayuhan lang naman niya si Pangulong Noynoy na huwag nang ipagpilitan ang kasong plunder laban kay Garcia at sa halip ay sampahan na lang ng ibang kaso para maging sigurado ang kanyang conviction.

Naaasar si Binay dahil alam niyang walang ibang panggalingan ang leak kundi sa loob din mismo nang Palasyo.

Kabado ngayon ang kanyang kampo dahil alam nilang may iba pa siyang memo na pawing private at confidential na ipinadala sa Malakanyang na pwede ring magamit at mabigyan ng ibang spin para sirain siya sa mata nang publiko.

Para sa akin ang masyadong maagang pagpapahag niya nang kanyang plano sa pulitika ang naging pinakamalaking pagkakamali ni Binay.

Dapat siguro ay palitan niya ang ilan sa kanyang mga political adviser dahil hindi nila nakita ang magiging negatibong epekto nang maagang pagpapahayag ng kanyang plano.

Ang masakit nito ay patikim pa lang ang Garcia memo leak dahil base sa info na aking nakuha ay maraming mas malulupit pang info ang ilalabas para naman malaglag siya at tuluyan nang magkasira sila ni Pangulong Noynoy.

Kaya ngayon pa lang ay dapat maghanda na siya para salagin ang mga tirada at resbakan din ang kanyang mga kalaban.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply