Tangang MMDA, smoke belching at bobong Smart

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na ilahad ang kanilang mga damdamin, pananaw at karanasan ukol sa mga nagaganap sa ating bayan at sa kanilang buhay.

Heto po sila.

TANGANG MMDA

Good pm, Idol. Malaking katangahan ng taga-MMDA ang pag-park ng sasakyan nila malapit sa terminal ng Dagupan bus, Kamuning. Sila ang gumagawa ng mabigat na traffic. C0NCERNED CITIZEN. +63921647….

SK CHAIR NA ‘DI KASAL

Dito po sa amin sa Barangay Veterans, Project 7, Quezon City, gusto ko lang pong malaman kung pwedeng umupo bilang SK chairman ang may anak at ‘di kasal. Hindi po siya magandang ehemplo sa aming barangay. Sumulat na ako sa mga kagawad at chairman pero wala po silang aksyon. Saan po kaya kami pwedeng magreklamong ahensiya ng gobyerno para siya maalis sa pwesto? Nangangamba po ako sa mga apo na nasa edad na 16 dahil ang sk chairman namin ay unwed mother. Salamat  po. +63927638….

KOTONGISTA SA BACOOR, CAVITE

Panawagan po sa mahal naming Mayor dito sa Bacoor, Cavite. Mayor, paki-train naman po ninyo at sampulan ang mga traffic enforcer dito sa inyong nasasakupan! Napansin ko kasi na ilan sa kanila at nakita ng dalawang mata ko ang pangongotong ng mga pulpol na yan! Isama n’yo na rin po ang kawalan ng respeto nila sa mga motorista! Mga nagsisiga-sigaan sila at akala mo kung sino. Paki-publish po ito, Sir Benny. Maraming salamat po. AGIMAT NG CAVITE. +63933428….

PAGING DENR/LTO

Paging DENR at LTO, anong silbi n’yo riyan? Santambak ang smoke belcher sa Baguio City, ang aga-aga mausok ang lungsod. Parang pugon ang mga jeep at taxi. Paano ba nakapagparehistro ang mga ito sa LT0? Kaya umiinit dito sa Baguio eh! ‘Wag ningas kugon. +63921605….

MPD STATION 10 NANGONGOTONG

‘Yung mga pulis ng station 10 sa Pandacan, kapag hindi sila nabibigyan ay nanghuhuli sila ng kahit walang kasalanan.  Mayor Lim, gising na. Wala ka nang nagagawa. Ibalik si Atienza. +63949304….

PABAYANG PULIS SA CAMARINES

Magandang araw po, Sir Benny! Baka naman po pwedeng gisingin yung mga kapulisan namin dito sa J. Panganiban, Camarines Norte. Dati-rati, yun pong mga pasaway na mga kabataan ay hinuhuli nila o kaya kina-curfew. Sa ngayon po ay hindi na kahit na harap-harapan na silang dinaraan dito. Baka po nakalilimot na sila. Alam naman po ng mga pulis na ito na  ordinansa ito rito. Sa una lang sila aktibo nang magkaroon dito ng OIC chief of police. Sana tinutuloy-tuloy nila ang panghuhuli sa mga kabataan na pasaway rito sa lugar namin. ‘Wag yung “ningas kugon”  lang sila. Kami po ang nahihirapan na mga residente rito. Sana po mabigyan po n’yo ng aksyon. Pls dont publish my number. Salamat po. +63946244….

2 ANAK ANG HINAHANAP

Good pm, Sir Benny. Gusto  ko lang po na malathala ang CP number ko kasi 15 years na po kaming hindi nagkikita ng dalawa kong anak na sina Joanacris Limos Quiom at Honeymae Limos Quiom diyan po sa San Jose, Occidental Mindoro. Ako po ang ama, Sergs Quiom ng Naga. Security guard po. Heto po ang cp.# ko 09477094240. Maraming salamat po.

KOTONG TANOD SA PASIG CITY

Sir Benny. Pakikalampag naman dito sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City. Ang tanod ay nangongotong sa mga truck na dumaraan dito. +63919222….

PASYENTENG PATAY SA OSPITAL

Isa po ang kapatid ko sa mga naging pasyente sa East Avenue Medical Hospital. Pinatay nila ang kapatid ko. Pabili sila nang pabili ng gamot. Sira ang mga aparato na ginagamit nila. Hinayaan lang nila na mamatay ang kapatid ko. Mukha silang mga pera. Dapat ipasara na yang ospital na yan, pinapatay nila ang mga pasyente na mahihirap. Makonsensya sana sila! +63946833….

MATAKAW AT BOBONG SMART

Magandang araw po, Sir Benny.
Dapat pong magpalit ng pangalan ang Smart Network. Dapat po bobo na network. Hindi ka makatawag nang madalian gamit ang mga promo nila. Paano po pag emergency? Eh ‘di wala na po. Minsan din po hindi maka-send kahit santambak ang load mo. Ang dami po nilang pa-promo wala naman pong nanalo. Paano pong hindi yayaman ng husto si MVP? MARAMING SALAMAT PO, SIR BENNY. +63910280….

Good day. Irereklamo po namin ang loader ng Smart sa Moonwalk, Parañaque. Matakaw talaga ang Smart. ‘Yung  mga kostumer namin nagpapa-load para makapag-text at makatawag. ‘Di pa sila nakapag-text, nag zero balance  na agad. Buwiset. +63922548….

IMPEACHMENT TAPUSIN NA

Sir Benny Antiporda. Ang puna ko lang po sa impeachment na yan ay lokohan lang kasi ang tagal na. Sayang ang pera na nagagamit samantalang kay Erap ay wala pong napatunayan tinapos agad ni Manny Villar. Kahit  mangmang, alam na ang mali ngayon.

Kaya tumagal yang impeachment  ay dahil parang mali rin ang namumuno. Parang moro-moro lang. Dapat na tigilan na yan. Kami ay banas na sa pag-ubos ninyo ng oras nang walang patutunguhan. Si Corona na naturingang Chief Justice, ano ang ginagawa niya? Pilit pa ring lumulusot. Marami kayong inaabala. Tapusin na yan, Manong Johnny. Pati ikaw, Senator Santiago, parang maka-Corona kayo. Concerned citizen.

MPD BATCH 18 GET TOGETHER

MPD Batch 18 members will be having their lunched get together on April 26, Thursday, 11:30 am at Hong Kong Tea House (Peter Lee’s Restaurant) along A. Mabini St., between UN Avenue and TM Kalaw St., Manila.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 092114303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply