Tanggapan ng DoJ sa Immigration itinayo

NAGTAYO ng bagong tanggapan ang Department of Justice (DoJ) sa Bureau of Immigration, ayon sa pahayag ng kawanihan.

Sa isang immigration memorandum order na kinatigan ni Justice Secretary Leila de Lima, itinatag ng kawanihan ang verification and compliance division (VCD) na mamamahala sa kahilingan para sa dokumento hinggil sa clearance, certification at verification status ng isang dayuhan at ng mga Filipino.

Sinabi ng kawanihan na itinatag ang VCD upang mapadali ang pagproseso sa mga kahilingan hinggil sa beripikasyon ng immigration status ng isang dayuhan, gayundin ang katibayan sa datos ng pag-alis at pagdating sa bansa ng isang pasahero.

Ang paghingi sa mga nasabing dokumento ay dating pinangangasiwaan ng tatlong sangay sa kawanihan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply