Tapyas pork barrel pinalagan ng solon

PINALAGAN ni San Juan City Rep. JV Ejercito ang plano ng administrasyon na bawasan at higpitan ang pag-iisyu sa pork barrel funds ng mga kongresista samantalang nananatili ang P39 bilyong pondo para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program.

Binigyang diin ni Ejercito na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel funds ay nakalaan sa mga distrito at hindi para sa personal na pangangailangan lamang.

Dahil dito, sinabi ng kongresista na malamang ibasura ang plano ng nakararaming mambabatas dahil ang kani-kanilang constituents ang mawawalan.

Tiwala ang kongresista na sa mahigpit pa lamang na panuntunan na ipinatutupad ng Department of Budget and Management (DBM) sa paglalabas ng pork barrel ay sapat na upang maiwasan ang korapsyon.

“DBM’s strict process for PDAF is already enough to buffer corruption efforts.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply