Task Force Arles binuo

BINUO na ng Department of the Interior and Local Government ang Task Force Arles na siyang tututok sa imbestigasyon sa pamamaslang kay Kabankalan Regional Trial Court Branch 61 Judge Henry Arles sa Negros Occidental.

Naglabas na rin ang National Bureau of Investigation ng cartographic sketch ng dalawang suspek na isang babae at isang lalaki.

Nabatid na ang naturang dalawang suspek ang sinasabing umaaligid at nagmamasid sa galaw ni Judge Arles bago ito pinaslang.

Inaalam na ng Special Investigation Group Arles kung may kinalaman ang dalawang suspek sa naturang krimen at kung ano ang motibo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply