Task force para sa Holy Week nakakasa na

BINUO na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatlong task force para sa seguridad ng Semana Santa at matiyak ang kaligtasan ng nagbabakasyon at magnilay-nilay sa panahon ng kuwaresma.

Ani AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr., nagtayo ng Joint Task Land, Joint Task Force Maritime at Joint Task Force Civil Military Operations ang sandatahang lakas upang makipagtulungan sa PNP, Philippine Coast Guard at iba pang ahensiya ng gobyerno lalo na sa National Capital Region (NCR).

Samantala, tiniyak naman ng PNP na sapat na ang kanilang tauhan na dineploy sa mga matataong lugar lalo na sa Metro Manila.

Sa panayam kay PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, satisfied naman siya sa paghahanda ng pulisya para sa pagpapatupad ng seguridad.

Sa kabila nito, payo naman ng pulisya sa publiko na maging maingat at iwasan ang pagdadala ng maraming gamit na makakaabala lamang sa kainlang pagbakasyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply