Task Force Silverio binuo ng SPD

BUMUO ang Southern Police District (SPD) ng Special Investigation Task Force para busisiin ang naganap na madugong demolisyon sa Silverio Compound sa Parañaque City nitong Lunes (Abril 23).

Ang Task Force Silverio ay pangungunahan ni Deputy Director for Administration Senior Supt. Rolando Asuncion.

Iimbestigahan nito ang mga miyembro ng Special Weapon and Tactics na kasama sa demolisyon para alamin kung may nagpaputok ng baril sa mga ito.

Aalamin din ng mga awtoridad kung totoo ang balitang bukod sa isang naiulat na namatay ay mayroon tatlong iba pang namatay sa demolisyon

Samantala, dinisarmahan at inilagay na sa restrictive custody ang 16 na miyembro ng Parañaque-Special Weapons and Tactics (SWAT) na kasama sa operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply