Tax filing, huling araw na bukas

BUKAS, Lunes, April 16, ang huling araw ng paghahain ng income tax return (ITR) sa lahat ng mga tax filing centers ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa lahat ng mga accredited agent bank ng BIR.

Ayon kay Caloocan Revenue District Officer Albin Galanza, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga deadline beaters sa mga filing centers gayundin sa mga banko, pinapayuhan ang mga taxpayers na magbabayad ng tax na P20,000 pababa na maaaring isumite at bayaran nila ito sa district office na sumasakop sa kanyang address basta’t ang bayad ay cash.

Dahil sa inaasahang marami ang hahabol sa pag-file ng kanilang tax return, bukas ang mga tangapan at filing centers ng BIR at mga banko hanggang 5:00 ng hapon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply