Telecom motto: Gusto ko, happy ka!

MUKHANG mahigpitan na ang labanan ng mga telecom providers.

Kung noong araw, puro reklamo ng mga cellphone user ang naririnig natin laban sa telecom providers, ngayon ay iba na, at least sa kaso ng Globe Telecom.

Globe Happiness, yan ang bagong marketing strategy ng Globe na malamang na gayahin din ng Smart at Sun.

Wala namang masama kung gagaya ang Smart at Sun basta ba happy ang mga customer. Ang sabi nga ni Senate President Juan Ponce Enrile, ang gusto ko, happy ka.

Sino naman ang hindi magiging happy sa bagong pakulo ng Globe Telecom? May bagong brand of service ang Globe Telecom, ang Globe Happiness project. Kakaibang oplan ito.

In fact, ang emphasis ngayon ng Globe ay service at hindi lamang profits.

Magiging mura na ang pagtawag at pag text sa Globe. Sa katunayan, ito ang trend sa buong mundo ngayon where the social optic is given much weight more than margins.

Uulitin ko, ang emphasis ngayon ay service, hindi lamang profits.

This is what is now driving the global business world as consumers now require more from the companies they interact with, sabi ng isang kakilala ko.

Noong araw, pataasan at palakihan ng profits or net income ang mga telecom companies. May mga bintang pang monopolistic ang telecom providers. Katulad ba ng mga gasoline company na pare-pareho ang singil sa gasoline despite the differences in their costs and source of crude supplies.

Pero ngayon, ang mga consumer ay matatalino na at mahirap nang lokohin. Alam yan ng Globe Telecom at dahil diyan, bubuwagin na ang monopolistic tendencies ng maraming cellphone companies. Sana ay nakikinig ang Smart at Sun na iisa lang tao ang may-ari.

Paliwanag ng isang mamamahayag, for a subscriber who is usually charged huge bills because of many calls and text messages, a simple ticking off of the unli call, unlitext mode via the 143 hotline would immediately translate to a big savings.

Thus, sabi pa niya, for one who is used to calling Globe phones and who gets phone charges of more than P1,000 a month, on top of the text messaging charges, the simple add-on of the unlicall and unlitext will just mean a ceiling of P600 a month on the calls and text messaging services.

Ganyan ang bagong mundo ng digital technology. Globe similarly is looking beyond the next frontier of competition in the digital world, such as the so-called LTE or Long Term Evolution which is part of an ambitious network modernization program amounting to $790 million that the telco has set aside beginning with its Davao rollout two weeks ago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply