Temperatura sa Luzon bumaba na – Pagasa

BAHAGYANG bumaba na ang temperatura sa Luzon ngayong araw.

Ayon sa Pagasa, ito ay dahil sa namataang tail-end ng cold front sa Central at Southern Luzon.

Kanina ay pumalo lamang sa 34.5 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila, 33 °C sa Tuguegarao City, 27.2 °C sa Clark Pampanga, habang nasa 23°C sa Baguio City.

Naging maulap din ang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa intertropical convergence zone na dahilan ng mga kalat-kalat na pag-ulan partikular na sa Southern Mindanao.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply