Tensyon sa Scarborough Shoal humupa na

Tuluyan nang humupa ang tensyon sa Scarborough Shoal sa pagitan ng Pilipinas at China makaraang umalis na ang limang fishing vessels ng huli kasama ang isa pang Chinese maritime vessel.

Ayon kay Lt. Gen. Anthony Alcantara, commander ng Northern Luzon Command, dakong alas-7:00 kagabi nang umalis na ang limang fishing vessels.

“Apparently na defuse na po ang tensyon sa lugar, nag-pullout na rin po ang mga Chinese,” ayon kay Alcantara.

Dala umano ng mga fishing vessels ang mga nahuli nilang corals at buhay na pating.

Naniniwala si Alcantara na bahagi ito ng napagkasunduan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng diplomatikong negosasyon.

“Yan po ang assumption ko napag-usapan po yan ang pag-pullout dala-dala nila ang mga nakuha nila,” dagdag pa ng heneral.

Tanging natitira umano sa lugar ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang survey vessel ng China ngunit ito umano ay nagbabantay sa karagatan at wala nang umiiral na tensyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply