Tomboy tinaniman ng bala sa ulo, utas

PATAY ang isang tomboy na vendor nang barilin nang malapitan sa harapan ng isang bahay sa Quiapo, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Rhodora Sanchez, 27, ng 640 Maria Cristina St., Sampaloc, Maynila.

Masusi namang inaalam ang pagkakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni Det. Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)- homicide section, 8:45 ng gabi nang makitang nakahandusay ang biktima sa harapan ng isang bahay sa 985 Concepcion Aguila St., Quiapo, Manila.

Isang Rogelio Cordova, sidecar boy ang hinarang ng ilang tambay sa lugar para isugod sa pagamutan ang biktima.

Nabatid na nadaanan ang biktima na nakahandusay sa nasabing lugar na may tama ng bala sa ulo dahilan upang ipagbigay alam kay Kagawad Onofre Reyes ng Bgy. 387 Zone 39 District 3 na nag-report sa pulisya.

Mistulang pipi at bingi naman ang ilang residente sa motibo sa pagpatay sa biktima dahil natatakot umano sila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply