Totoy nahulog mula sa bubong, dedo

BASAG ang ulo ng isang batang lalaki nang aksidenteng mahulog mula sa bubungan ng sarling bahay habang nagpapalipad ng saranggola sa Albay, kaninang umaga.

Dead on arrival sa ospital sanhi ng tinamong putok sa ulo ang biktimang si Christian Delos Cano, 8-anyos residente ng Purok 2 Market site sa bayan ng Daraga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.

Bago ito, nagpaalam sa kanyang ina ang biktima na aakyat sa bubungan ng kanilang bahay para magpalipad ng ginawang saranggola.

Pero habang namamayagpag na ang ipinalilipad na laruan sa kalangitan, hindi napansin ng biktima na nasa dulo na pala siya ng bubungan kaya bumulusok ito pababa sa lupa.

Ipinalibing naman agad ang biktima ng mga magulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply