Toyota vs motor: Mag-ama tepok, 2 grabe

NASAWI ang mag-ama, habang agaw buhay naman ang asawa at isa pa nitong anak makaraang mabangga ng isang Toyota Corolla habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng De Venencia road ng Dagupan, Pangasinan.

Nakilala ang mga namatay na biktima na sina Rene Pinlac at Shena Mae Pinlac, isang taong gulang, kapwa mga residente ng bayan ng Binmaley.

Isinugod din sa hospital ang asawang buntis ng biktima na si Lourdes Pinlac, 30, at si Sheree Lou Pinlac, 3.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang Toyota na minamaneho ni Rommel Lazano, 42, tubong Baguio City sa linya ng motorsiklo na minamaneho naman ni Rene.

Tumilapon ang mga biktima kung saan idineklarang patay ang mag-amang Pinlac, habang kritikal ang kanilang anak na tatlong taong gulang at ang asawa nito.

Lumalabas din sa imbestigasyon na lasing ang driver ng kotse at sinubukan pa nitong tumakas ngunit nahuli rin ito ng mga awtoridad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply