Traffic enforcer huling nangongotong sa video

INILAGAY sa preventive suspension ang isang traffic enforcer nang tangkaing hingan ng lagay ang isang motorista sa isang paglabag sa trapiko sa kahabaan ng Edsa extension, na nai-record sa cellphone.

Iniutos ng Pasay City Mayor Antonio Calixto sa City Legal Office at Public Safety and Traffic Management Office na magsagawa ng imbestigasyon sa nabanggit na insidente at iulat sa kanyang opisina sa loob ng limang araw.

Kinilala ang traffic enforcer, na si Al Villegas, na diumano ay nanghingi ng salapi sa motoristang lumabag sa trapiko upang hindi na isyuhan ng Traffic Violation Receipt (TVR).

Nai-record umano ng motorista ang pag-uusap nila ni Villegas sa kanyang cellphone at in-upload sa internet.

Siniguro ni Calixto sa publiko na hindi nila kukunsintihin ang mga tiwaling traffic enforcer o pulis sa kanilang serbisyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply