Trak tumagilid sa Cubao, 2 sugatan

NAGTAMO ng minor injuries ang drayber at pahinante ng dump truck na may kargang graba nang tumagilid ito sa may north bound lane ng Cubao, Edsa, iniulat ngayon.

Ang mga nasugatan ay kinilala na sina Henry Manipon, dayber ng dump truck at pahinante nitong si Jay Musngi.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Manipon nang akalain niyang lumambot ang mga gulong ng trak at nang pumpreno siya ay sumampa ang sasakyan sa may center island.

Todo tanggi naman ang drayber na nakatulog siya habang nagmamaneho.

Iginiit din niya na laging nasa mabuting kondisyon ang minamanehong trak.

Sa ngayon naitayo na ang trak ngunit nililinis pa rin ang mga kumalat na graba sa kalsada habang hinihintay ang hihila sa sasakyan.

Kaugnay nito, nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply