Trike driver nagulungan ng trak, ulo natanggal

HUMIWALAY sa katawan ang ulo ng isang tricycle driver nang magulungan ng gulong ng nakabanggaang trak sa Roxas City kaninang madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Wendell Distor, isang traysikel drayber ng Barangay Lawaan, Roxas City.

Sumuko naman agad sa pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Jericho Mendajar, residente ng Caloocan City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling sa isang bisinidad sa national highway sa Barangay Lawaan.

Ayon sa imbestigasyon ng Roxas City police station, bago ang insidente ay nang-agaw ng lane si Distor kaya nag-iba ng direksyon ang drayber ng trak.

Ngunit hindi inaasahan ni Mendajar na babalik muli sa nasabing lane ang lasing na tricycle driver kaya binangga niya ito at naging dahilan upang ito ay tumilapon at pumasailalim sa likurang bahagi ng truck.

Sa kamalasan pa, nagulungan ng trak ang katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply