Trike driver tinigbak sa harap ng 3 anak

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang isang tricycle driver ng isa sa apat na hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay naghihintay ng pasahero kasama ang tatlong anak sa Caloocan City kaninang madaling araw, Abril 30.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rico Delo Veras, 50 ng Durian st., Camarin ng lungsod.

Base sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, naghihintay ng pasahero ang biktima kasama ang tatlong maliliit pang mga anak malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Isa ang bumaba at walang salitang pinagbabaril ang biktima bago nagsitakas.

Nag-iimbestiga na ang mga pulis sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply