TRO vs misis ni Jose Manalo ibinasura

HINDI pinagbigyan ng Quezon City court ang inihaing petisyon ng TV producer ng Eat Bulaga laban sa asawa ng actor-comedian TV host na si Jose Manalo Jr.

Hindi pinagbigyan ni Quezon City Regional Trial Court Judge Luis Zenon Maceren, ng Branch 218 ang hinihirit na temporary restraining order ng Tape Incorporation laban sa asawa ng nasabing TV host.

Sa kanilang petisyon, nais ng Tape Inc, na maharang ang asawa ni Jose na si Annalyn na bawalan siyang puntahan ang nasabing TV host sa lugar ng trabaho lalo na sa lugar na pinagdarausan ng sikat na segment nila na “Juan for All.”

Idinahilan sa petisyon na labis daw aniyang naapektuhan ang trabaho ng TV host gayundin ang operasyon ng Eat Bulaga.

Pero sa naging desisyon ni Judge Maceren, wala siyang nakikitang dahilan para isyuhan ng TRO o pagbawalan si Annalyn na bisitahin ang aktor sa kanyang set dahil asawa naman niya ito.

Magkagayunman, nakatakda pa ring dinggin ng korte ang P450,000 damage suit ng Eat Bulaga laban kay Annalyn.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply