UPDATE: ‘Try a Little Tenderness’ ikalawang kanta ni Jessica

NAKULANGAN sa emosyon ang mga Idol judge sa ikalawang performance ni Jessica Sanchez ngayong umaga (gabi sa Estados Unidos).

Inawit ni Jessica ang “Try a Little Tenderness” ni Otis Redding para sa kanyang ikalawang performance ngayong araw.

Ito ay batay sa tema ngayong linggo na “Now and Then.”

Naniniwala sina judge Steven Tyler, Randy Jackson at Jennifer Lopez na dapat pang lumevel up ang dalaga sa kanyang pagkanta.

Ayon pa sa mga judges, mahusay si Jessica ngunit may mga pagkakataon na nakukulangan sila sa emosyon nito.

Ani Randy: “Where you should grow now is really in connecting with the emotion in the lyric… He says the public responds to the emotion. Everything you sing is going to be great. It’s about growing now.”

Sinabi naman ni J-Lo na kailangan pa nilang i-push ang performance ng dalaga.

Kanina sa unang performance, ay medyo nagustuhan naman ng mga idol judge ang rendition ni Jessica ng “Fallin” ni Alicia Keys.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply