Tsismis sa top executive at gwaping na director na hiwalay na raw…not true!

DINAAN sa isang blind item ng veteran entertainment columnist na opisyales ng isang award giving body ang isyu tungkol sa sikat na Top Executive na malaking TV network na hiwalay na raw sa gwaping na mister na director. Kawawa raw si nasabing lady executive dahil matapos na nitong ipaglaban ang Papa nang matagal na panahon para magkaroon ito ng break sa pagdidirek ng iba’t ibang show (in fairness magaling naman itong director) ay hiniwalayan na lang daw ang mabait na ehekutibo.

Well, kuryente ang nasabing balita dahil mismong malapit sa very influential na TV executive ang aming nakausap last Sunday lang at ayon pa sa kanya, umuuwi pa rin naman daw sa bahay si direk at okey naman sila ng kanyang wife na ehekutibo. Hindi na raw bago ang ganitong tsismis sa mag-asawa dahil noon pa, marami na ang gustong paghiwalayin sila.

Hay naku! Mamatay na lang kayo sa inggit, no? Gwaping kasi si direk at marami ang nagpapantasiya rito.

Ngek, ngek n’yo na lang gyud!

***

Roxanne Guinoo, original na Donya Trining at Tirso Cruz III mapapanood na sa ‘Valiente’

ANO ang magiging konek ng nagbabalik showbiz na si Roxanne Guinoo sa pamilya Braganza sa inaabangan nyong top-rating primetime drama series sa TV5 na Valiente? Si Roxanne ay si Elaine Lee na anak ni Vincent Lee na ipagkakasundong ipakasal kay Theo Braganza (Oyo Sotto). Matutuloy ang kasal ngunit hindi magiging masaya ang pagsasama ng dalawa dahil madidiskubre ni Elaine na may ibang mahal ang mister na si Theo. Ikasasama ito ng kanyang loob at dito na makikipagtulungan si Elaine kay Gardo Valiente (JC de Vera) para tuluyang pabagsakin ang mga Braganza.

Nasa week 10 na ang Valiente and this week, unti-unti na ninyong makilala ang character ni Don Luis (Tirso Cruz III) na siyang nangangalaga ngayon kay Gardo na kasalukuyang nasa opsital pa rin at nagpapagaling sa sinapit sa kamay ni Theo at Peping (John Regala).

Abangan din ang pagpasok ng iba pang mga tauhan sa istorya tulad ng pagbabalik din ng orihinal na Donya Trining. Sino siya? Marami pang mahahalagang rebelasyon sa buhay ng bawat character sa painit na painit na istorya at tagpo sa Valiente. Mapanonood ito gabi-gabi pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5.

About Thor

One Comment

  1. tanya

    April 19, 2012 at 1:03 pm

    may nanonood ba sa teleseryeng ito????

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>