Tubig: Susunod na problema

SINASABING wet summer ang tag-araw ngayon sa repablik ni Juan.

Ngunit paano kung sumablay ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na nagsasabi ukol sa tag-ulan sa tag-araw o wet summer?

Naiisip kasi natin ang mga problema na nililikha ng kakulangan ng tubig sa tag-araw.

oOo

Kabilang sa mga problema, Suki, ang sunog.

Sa ilang bayan at ilang barangay, may magagandang programa laban sa sunog.

Bukod sa pagkakaroon ng mga linya ng pamatay-sunog na nakaabang sa mga fire hydrant, may mga naglalatag ng mga dram na puno ng tubig na pupuwedeng pagsalukan kung may sunog.

Linggo-linggo nga lamang na pinapalitan ang tubig para hindi pamahayan ang mga ito ng lamok na may dalang sakit na dengue.

Kung tuloy-tuloy ang mainit na tag-araw, hindi lamang magbabawas ang mga dam ng suplay na tubig.

May mga deep well at mano-mano na bomba ng tubig na natutuyuan kaya naman nawawalan ng saysay ang mga pangkomunidad na programa laban sa sunog.

oOo

Sa ganitong sitwasyon, ngayon pa lang ay dapat nang mag-isip ang pamahalaan ng mga tugon sa problema.

Dapat na alalahanin ng pamahalaan na malaki ang naitutulong ng mamamayan laban sa sunog bukod sa nagagawa mismo ng mga bumbero.

Sapat na suplay ng tubig na hawak ni Juan, Suki, ang tinutukoy natin na posibleng manganib sa patuloy na sobrang tag-init sa mga araw na ito.

Yung ibang mga opisyal ng pamahalaan ay naglalatag ng mga poso sa mga barangay.

Ngunit kinokontra ito pangunahin ng mga suplayer ng tubig gaya ng Maynilad at Manila Water dahil umano sa pagkasira ng ilalim ng lupa ngunit sa totoo lang ay kabawasan ito sa kanilang kita.

Nasaan na nga ba ang programa ng pamahalaan para sa sapat na suplay ng tubig?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply