TUCP bigo agad sa wage consultation

SA unang araw pa lamang ng konsultasyon, kaugnay sa inihaing P90 umento sa sahod ay nabigo agad ang mga sektor ng manggagawa dahil walang napagkasunduan ang usapan sa panig ng Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employement-National Capital Regional at National Development Authority na ginanap sa Auditorium ng Taguig City University.

Ang P90 salary increase ay naihain sa NCR-wage board, pero sa unang araw pa lamang ng konsultasyon, pinagtataka ng mga manggagawang kasapi ng iba’t ibang unyon na hindi masyadong nagpaliwanag ang mga ahensya ng gobyerno hingil sa naturang konsultasyon.

Reklamo pa ng manggagawa na kinokondisyon lamang ang kanilang kaisipan para hindi na umasa para sa malaking umento sa sahod.

Maroon pa umanong posisyon ang ibang may-ari ng kompanya na kung magdadagdag ng sahod kailangan munang magbawas ng trabahador.

Ipinaliwanag naman ni Labor NRC-Director Atty. Alan Macaraya na hindi maaaring maging accros the Board ang hinihinging umento ng TUCP dahil magkaiba ang inflation rate o gastusin ng mga manggagawa sa kalakhang maynila at sa probinsya kaya pag-aaralan pa ang petisyon.

Hindi pa umano tapos ang konsultasyon at susndan pa ng dalawang public consultations na gaganapin sa Abril 27 sa Unibersidad De Manila auditorium sa Arroceros, Manila at sa Mayo 4 sa Old City Hall sa Malinta, Valenzuela City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply