Tuition fee hike ng 128 private school aprub na

INAPRUBAHAN na ng Department of Education (DepEd) ang petisyon ng 128 private schools sa Metro Manila na makapagtaas ng tuition fee.

Ayon kay DepEd National Capital Region Director Rizalino Rosales, na tataas ang matrikula ng anim hanggang 10 porsiyento.

Kasama sa 128 na pribadong paaralaan na magtataas ng tuition fee ay ang La Salle Greenhills, Miriam College at Ateneo.

Kabilang rin sa magtataas ang ilang community private school tulad ng Golden Achievers sa Parañaque City at St. Michael’s School sa Las Piñas City.

Sinabi rin ng DepEd na makahahabol pa hanggang sa katapusan ng linggong ito ang ibang private schools na nais na magtaas ng matrikula.

Muling ipinaliwanag ng DepEd na hindi nila kontrolado ang pamamalakad sa mga private school ngunit kanilang sisiguraduhing nasusunod ang mga regulasyon para sa maayos na kalidad ng pagtuturo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply