Tuition fee hike ng 222 pribadong kolehiyo aprub na sa CHED

APRUB na sa Commission on Higher Education ang petisyon ng 222 pribadong kolehiyo sa bansa na makapagtaas ng kanilang matrikula ngayong pasukan.

Ayon sa CHED, walo hanggang 15 porsiyento ang inaprubahan nilang tuition increase.

Batay pa sa ChED, maaaring umabot sa 256 ang kabuuang bilang ng mga magtataas ng matrikula dahil nag-apply pa ang 34 kolehiyo sa Metro Manila na kasalukuyang pinoproseso.

Nabatid na may 2,247 na private higher education institution ngunit 301 lang ang naghain ng petisyon para makapagtaas ng matrikula at 222 lang dito ang inaprubahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply