Tuition hike: 100 elementari, haiskul at 222 kolehiyo

O KAYO riyan sa Palasyo at Malakanyang, anong sey niyo sa pagtataas ng matrikula ng mga pribadong iskul na elementari, haiskul at kolehiyo?

Ito’y sa kabila ng pagsasabi ninyo na oki ang kalagayan ng repablik ni Juan.

Katwiran ng mga iskul na ito, magtataas sila ng matrikula hindi  dahil sa sinasabi ng batas na pupuwede silang magtaas ng hanggang sa 10 porsyento kundi dahil sa krisis-pang-ekonomiya na nararanasan nila.

Kung hindi umano sila magtataas, paano nila mabibigyan ng makataong kalagayan ang kanilang mga guro at magandang pasilidad ng kanilang mga iskul para sa mahusay na edukasyon?

oOo

Dahil tototohanin ng mga iskul na ‘to ang mag-tuition fee hike, ang atensyon natin talaga ay kung ano-ano na ang paghahanda ng mga onorabol para sa mga pablik iskul na sasalo sa mga mag-lilipatang mag-aaral.

Natantiya na ba ng mga onorabol na ito ang laki ng bilang ng mga magsisilipatan?

Nagtatanong tayo, Suki, dahil sa madaratnan tiyak ng mga bata ang istayl sardinas na pag-aaral.

Wataymen, tiyak na aabot sa 70-80 bata ang magsisiksikan sa bawat rum.

Siyempre pa, kukulangin ang mga aklat, silya, upuan at kuwarto mismo. Pati mga guro kukulangin din.

oOo

Alam ba ninyo ang nagaganap kung sobra ang dami ng mag-aaral sa isang rum?

Sa pagtawag lang nina mam at ni sir sa pangalan ng bawat mag-aaral, napapaos na siya pagkatapos.

At matapos ang rol kol at dahil sa haba ng listahan ng mga bata, wala nang matitira para sa lesons na pag-aaralan.

Kabobohan na ang susunod diyan dahil wala o kokonte ang matututunan ng bata.

O ano ngayon ang masasabi ng mga onorabol?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply