Tumbaga tumba sa Thai boxer

HINDI kinaya ni Filipino boxer Mike “Tyson” Tumbaga (12-16-2) ang matinding parusa na inabot kay Thailand 140 pounder Patomsuk Patompothong (17-1-1, 11 KOs) kaya natalo ito.

Nabigo ang Pinoy nang mapatulog ng Thai foe sa round two ng itinakdang twelve round na IBF Pan Pacific championship bout.

Ang bakbakang ginanap sa Sarape School sa Chiangmai, Thailand ay pinanood sa telebisyon ng libu-libong Thai sa naturang bansa.

Sa round one ay napatumba ni Patompothong si Tumbaga sa pamamagitan ng malakas na sapak sa ulo.

Pagsapit na nga ng ikalawang round ay inawat na ng referee ang laban sa oras na 2:18 at iginawad kay Patompothong ang panalo.

Ayon kay Jimmy Chaichotchuang, promoter ng event, ipinakita ni Patomsuk ang malalakas niyang sapak para pataubin si Tumbaga.

Matatandaan na minsan na ring nakaharap ni Tumbaga ang iba pang world rated boxers ng Thailand na sina Prawett Singwancha at Thai Tor Silachai.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply