Tunay na darling of the press!

ITINANGGI ni Anne Curtis na may misunderstanding din sila ng kasamahan niya sa “It’s Showtime” na si Vice Ganda.

“No, wala naman. I mean, mayroon din kaming issues ni Vice, pero hindi seryoso. Alam mo ‘yung nag-aasaran pero wala pa ‘yung tulad ng sinasabi nila na pikunan na serious na it falls to a big fight and commotion, wala,” sey niya sa isang panayam.

Anyway, pinaninindigan ni Anne na wala siyang balak na mag-ober da bakod sa TV5 at sundan ang kanyang leading man na si Derek Ramsay.

“No, wala. Right now, I think it’s safe to say that as long as I’m happy with what ABS-CBN is giving me, I have no reason to leave.”

May dalawang taon pa siyang kontrata sa Kapamilya network at nakatakdang mapanood sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw with Robin Padilla and Kris Aquino.

o0o

MULI na namang humataw ang ABS-CBN sa New York Festivals (NYF) International TV and Film Awards 2012 matapos parangalan ang mga programa nito mula sa News at Current Affairs.

Nakuha ng Krusada ang Bronze World Medal sa Social Issues/Current Events category para sa ulat at kampanya ni-tong palayain ang tatlong masakiting lolang matagal nang nakakulong.

Nagsilbing anchor ang batikang mamamahayag na si Abner Mercado para sa dokumentaryong pinamagatang “Laya” na inere noong Hunyo ng nakaraang taon. Ayon pa sa kanya, isang malaking papuri raw para sa isang mamamahayag at dokumentarista ang parangal. Ngunit higit pa rito, sana raw ay pagbigyan ng pamahalaan ang kahilingan ng mga preso.

“Ang parangal na ito’y dahil sa pagpupunyagi ng buong team ng Krusada. Ito’y makapagbibigay ng inspirasyon para higit naming pagbutihin ang bawat kuwento na aming inihahatid,” aniya.

Ilang taon na ring sinusubaybayan ni Abner ang kuwento ng mga presong bukod sa matatanda na, may mga taning din ang buhay. Kaya ang tangi nilang hiling ay mabigyan klemensya ng Pangulo para matikman ang kalayaan at ma- kapiling ang kanilang pamilya sa mga huling sandali.

Sa Krusada mapanonood ang mga special report ng mga nangunguna at beteranong news anchors at journalist ng ABS-CBN News and Current Affairs. Tinatalakay nila ang mga maiinit na isyu na humahati at umaantig sa konsensya ng lipunan.

Ipinahayag naman ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs Division, na kinakatawan ng nana- long dokumentaryo ni Abner ang tunay na pinaninindigan at tungkulin ng Krusada para sa mga Pilipino.

“Ang ‘Krusada’ ay ‘di lamang nagsasabi ng istorya o kwento ng buhay. Naninindigan din ang Krusada, ang mga mamamahayag na gumagawa nito para sa mga walang boses, para sa mga nagdurusa at para rin magising ang mga nasa poder – hindi man gobyerno, lahat ng nasa kapangyarihan – na sila ay gumalaw tungo sa ikabubuti ng mas marami,” ani ni Ging sa abs-cbnNEWS.com.

o0o

TUNAY na Darling of the Press si Atty. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA, Chief Public Attorney dahil lagi siyang nandi- yan para sa kapakanan ng press. Nu’ng Lunes ay nagkaroon ng contract signing sa pagitan ng inyong lingkod, pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at ang PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) na tutulong sa mga kasong kahaharapin ng mga opisyal at members ng PMPC sa larangan ng propesyon ng pagsusulat.

Nandiyan si Atty. Persida para suportahan ang mga taga-PMPC sa mga haharaping libel cases, harassment, pagmamal -trato at pagsaklaw sa press freedom. The same legal assistance from the PAO shall be provided to members of the families of the PMPC members who are victims of media killings.

Anyway, mula Lunes hanggang Biyernes, 2 PM ay napapanood si Atty. Persida Acosta sa TV5, Public Atorni: Asunto o Areglo.

Tungkol naman sa PMPC, magkakaroon din ng launching ang PMPC Website sa May 5, Sabado sa Zirkoh, Tomas Morato kung saan ay bubuksan din ang radio at tv online ng naturang club. Maghahatid din ito ng mga sariwang Pinoy showbiz news ng mga miyembro para sa buong mundo.

Kasabay sa May 5 ang fund raising show ng PMPC sa Zirkoh, 9 PM  para sa medical assistance program na pinama- gatang All For The Love of Juan na kung saan ay tampok sina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino, Albie Casino at Steven Silva. Maghahandog din ng awitin sina Michael Pangilinan,  DK Valdez, The Frontmen at Divalet.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply