Tupada sa Kampo Karingal protektado ng pulis

TUWING araw ng Linggo ay mistulang fiesta ang bakanteng lugar diyan sa may Barangay Cruz na Ligas sa Quezon City dahil sa  ginagawa rito ang tupadahan na umano’y protektado ng isang kagawad ng Quezon City Police District (QCPD).

Wala raw takot dito ang mga sabungero dahil siniguro raw sa kanila ng  pulis na si PO3 Norlan Margallo, na nakatalaga sa Anonas Police Station 9 ng QCPD na walang raid at hindi kailanman ito mare-raid.

Ito’y dahil hawak niya ito at nakatimbre sa lahat ng operating unit ng QCPD at sa NCRPO sa Bicutan.

Kaya naman pala kampanteng-kampante at may peace of mind ang mga sabungero na nagpupunta rito dahil bukod sa walang entrance fee ang sabungan ay wala rin silang huli.

Sinasabing tuwing may tupada ay naroon at talagang nakabantay itong pulis na si PO3 Margallo sa tupadahan ng Barangay Cruz na Ligas para raw walang huli.

Kaya naman pala hindi ito matinag-tinag at hindi ito mapahinto ng kahit na anong operating unit ng QCPD dahil bigatin naman pala ang protektor dito.

PO3 Margallo, alam ba ng hepe mong si Superintendent Michael Macapagal na ikaw ang protektor ng sabungan diyan sa Brgy. Cruz na Ligas?

O nakatimbre rin ito sa kanya?

Nagtatanong lang po, Col. Macapagal, dahil hindi maglalakas loob itong si Margallo na protektahan ang isang tupadahan kung wala itong pahintulot galing sa inyo.

Itong si Margallo ay imbestigador  daw ng Anonas Police Station 9 at marami raw ang nagrereklamo dito dahil ang simpleng kaso ay kaya niyang gawing no bail.

QCPD Director Gen. Mario Dela Vega, ilang PO3 Margallo ang mayroon kayo sa QCPD?

Aba sayang ang malaking pinasusuweldo ni Juan Dela Cruz  diyan sa pulis ninyo?

Itaas n’yo ang morale ng QCPD,  huwag ninyong hayaang mamayagpag sa iyong nasasakupan ang ganitong klase ng pulis.

Dapat na itapon agad ito sa Mindanao o sa Scarborough Shoal.

PNP Chief, Director  General Nick Bartolome, Sir, sunud-sunod na ang indultong inaabot ngayon ng inyong kapulisan lalo na rito sa NCR.

Bakit po hindi ninyo salain ang inyong mga itatalagang pulis sa Metro Manila?

Ang katulad nitong si Margallo ay hindi dapat sa NCR.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply