U-turn slot sa harap ng La Vista QC isasara ng MMDA

ISASARA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang u-turn slot sa harap ng La Vista Subdivision sa Quezon City simula sa darating na Lunes (Abril 30).

Sa nasabing lugar nag-u-u-turn ang lahat ng motoristang nagmula sa Ateneo de Manila University at Miriam College na sinasabing dahilan na matinding trapik sa Katipunan Avenue.

Gayunman, bubuksan ng MMDA ang u-turn slot sa tapat ng Ateneo.

Nabatid na binabalak ng MMDA na isara ang lima pang u-turn slots ngayong linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply