U-turn slots sa Maynila tatanggalin ng MMDA

NATAKDANG alisin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ilang mga u-turn slots sa mga pangunahing lansangan sa Maynila upang makatipid umano ang mga motorista ng nakokonsumong gasolina.

Ayon sa MMDA, ito ang naiisip nilang solusyon upang makatipid ang mga motorista sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Ayon kay MMDA General Manager Corazon Jimenez, nasa kanilang pag-aaral na ang pagtatanggal ng 117 u-turn slots sa Maynila.

Ito ay matapos na lumabas sa pag-aaral ng MMDA na makakatipid sa gasolina ang mga motorista kung aalisin na ang mga ito dahil hindi na umano kakailanganing umikot pa nang malayo.

Nabatid pa na sinisimulan nang tanggalion ang mga u-turn slots ngunit nilinaw ng MMDA na hindi maaring tanggalin ang lahat ng ito sa kabuuang sistema ng trapiko sa Maynila.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply