Ulo, 2 paa lumutang sa irigasyon sa Pangasinan

MISTULANG jigsaw puzzle na bubuuin ngayon ng mga kagawad ng Pangasinan PNP ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima matapos na matagpuan ng mga awtoridad ang isang pugot na ulo at dalawang putol na paa sa irigasyon sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan kaninang umaga.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang matagpuang lumulutang sa gilid ng patubig sa may Barangay Cacawitan ang magkabilang putol na paa.

Sa report na isinumite ni PO3 Richard Castillo ng Mangatarem PNP, isang Jaime Agsawa, residente ng San Clemente, ang nag-report sa kanilang tanggapan hinggil sa nakitang bahagi ng katawan ng tao na nakasilid sa garbage bag.

Sa hindi kalayuan ay natagpuan din nito ang pugot na ulo ng lalaki na nakasilid sa garbage bag.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng itinapon ang bangkay sa malayong lugar at tinangay lamang ng agos sa nasabing area.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply