Ulo ng trike driver pigtas sa killer truck

PIGTAS ang ulo ng isang lasing na tricycle driver matapos magulungan ng dambuhalang truck sa Barangay Lawaan, Roxas City, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report, sabog ang utak at natigmak ng dugo ni Wendell Distor ang lansangan dahil sa lakas ng pagkakasalpok ng kanyang trike sa truck na minamaneho ni Jericho Mendajar, ng Caloocan City.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Roxas City police station, napag-alaman na nang-agaw ng lane si Distor kung kaya nag-iba ng direksyon ang driver ng truck.

Ngunit hindi inaasahan ni Mendajar na muling babalik sa nasabing lane ang lasing na tricycle driver kaya pinilit niyang itodo ang pagtapak sa break pedal.

Subalit inabot pa rin nito ang tricycle ng biktima at sa sa lakas ng impact ay tumilapon at pumasailalim ang biktima, ikinaputol ng kanyang ulo at ikinapisak ng kanyang katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply