Ultimatum ikinasa na vs Mayor Reyes

IKINASA na kaninang umaga ang ultimatum ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban kay Coron town Mayor Mario Reyes para sumuko bago ipatupad ang pag-upo ni Coron Vice Mayor Ajerico Segismundo Barracoso sa susunod na linggo.

Sa panayam kay DILG Sec. Jesse Robredo, sinabi nito na walang sinumang makapipigil at makahahadlang sa pagpapatupad ng batas kasunod ng pagtatago ni Mayor Reyes na sangkot sa pagpatay kay Palawan broadcaster Gerry Ortega, kasama ang kanyang kapatid na si dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Sa ngayon, si Barracoso ang acting mayor na nakaupo sa bayan ng Coron kaya kailangan nang may kilalaning bagong alkalde sa nasabing lugar.

Nilinaw ni Robredo na aarestuhin pa rin si Reyes sakaling ito ay magpakita sa susunod na linggo.

Wanted sa pagpatay ang magkapatid na Reyes sa Palawan dahil sa pagpaslang kay Doc Gerry.

Samantala, tiwala naman ang pamilya ni Ortega na hindi pagbibigyan ng Court of Appeals (CA) ang hirit ng kampo ng dating governor na ibasura ang ipinalabas na warrant of arrest ng Puerto Princesa RTC.

Ayon kay Michaela Ortega, napakalakas ng hawak nilang ebidensiya kaya malabo na ang hirit na ito ni Reyes.

Payo na lamang ng nakababatang Ortega, lumantad ang dating gobernador kung talagang malinis ang konsensiya nito laban sa mga akusasyon at huwag takasan ang proseso ng batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply