Una ang trapo

MUKHANG puro trapo ang nasa senatorial line-up ng UNA, isang koalisyon na binuo nina Vice President Jojo Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.

Kapansin-pansin kasi sa mga pangalang inilabas ni Binay ay sa mga angkan ito ng pulitiko galing. lam din naman kasi ng madla na karamihan sa mga ito ay wala namang naiambag na maganda sa bayan sa kabila ng pagkatagal-tagal na ng mga pangalan at pamilyang ito sa pulitika.

Ilan sa mga pangalang nasa line-up ng UNA ay sina Cong. JV Ejercito, anak ni Erap, Cong. Jackie Enrile, anak ni Manong Johnny, Sen. Chiz Escudero, anak ni Cong. Salvador Escudero, na bataan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sen. Allan Cayetano, anak ng yumaong Senador Rene, Sen.Koko Pimentel, anak ni dating Senador Nene Pimentel, Ernesto Maceda, Kit Tatad, Gringo Honasan at Migs Zubiri, kaibigan ni Coco Pimentel.

Kung ating hihimayin, kapag nanalo si JV ay makakasama niya ang kapatid niya sa ama na si Jinggoy.

Si Sen. Allan Cayetano, kung makababalik ay makakasama ni-yang muli ang kanyang ate na si Sen. Pia.

Makakasama naman ni Manong Johnny ang paborito niyang anak na si Jackie na kongresman ngayon ng Cagayan.

Isang senaryong posibleng maganap dahil malinaw sa mga naglalabasang survey na angat ang mga nabanggit na pangalan dahil sa “name recall” ng mga ito bukod pa sa sila ang mga naghaharing-uri lalo na usapin ng pera.

Isang katotohanang mahirap tanggapin dahil kahit lumalabas na nasa mahigit 90 milyon na ang mga Pinoy sa bansa ay mistulang sila lamang ang may kakayahang maglingkod sa bayan, gayung napakarami naman diyan na may angking puso sa paglilingkod ngunit dahil sa usapin ng pera at kapangyarihan ay sila lamang mga sikat at angkan ng mga pulitiko ang nabibigyan ng karapatan na humawak ng posisyon sa bayan.

Sana naman ay may ipantapat ang ibang grupo na hindi trapo dahil dito lamang makakaahon ang bansa na matagal-tagal na rin namang naghihirap dahil sa iilang pamilya na kumokontrol sa pulitika sa bansa.

oOo

Marami na naman ang nagsusulong ng pagpapaliban ng halalang pambarangay sa taong 2013.

Ayaw kasi ng mga kongresista na magastusan ng walang kalaban-laban dahil kapag natuloy ang barangay election ay isasabay ito sa national at local election.

Sa madaling salita,posibleng ang kanilang perang ibibigay sa mga opisyal ng barangay ay hindi sa kapakinabangan nila magamit dahil posible itong mauwi sa kampanya ng mga kandidatong barangay leader.

Isang katotohanang magaganap dahil sino ba naman ang taong uunahin ang iba kaysa sa sarili lalo’t ang mga kasali sa larong ito ay mga pulitiko?

oOo

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-e-mail sa barangayanni_isko @yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply