UNCLOS gagamitin vs China – DFA expert

INIHAYAG ng isang eksperto sa Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat gamitin ng Maynila ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang maresolbahan ang standoff ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.

Sa kanyang pagharap sa ginanap na pagdinig ng Senado hinggil sa naturang sigalot, sinabi ni Atty. Henry Bensurto Jr., secretary general ng Commission on Maritime and Oceans Affairs ng DFA na may ilang probisyon sa UNCLOS na maaaring pagdulugan ng reklamo laban sa panghihimasok ng Beijing sa teritoryo.

“We believe so, the there is still a mechanism within the UNCLOS that we can use to peacefully settle the dispute but the details i am not in a position to divulge the details. There is still a window we can explore,” ayon kay Bensurto, sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda.

Pero, ayaw naman ibulgar ni Bensurto ang mekanismo o estratehiyang gagamitin ng gobyerno sa planong resolbahan ang sigalot sa Scarborough Shoal sa ilalim ng isang mapayapa at legal framework.

Ngunit, sinabi ni Bensurto na maaaring gamitin ng gobyerno ng Pilipinas ang compulsory settlement provision ng Part 15 ng UNCLOS kung umayaw ang China na pumaloob na ayusin ang sigalot sa Scarborough Shoal.

“China is a signatory and has ratified the UNCLOS, and they are bound with the provisions of the UNCLOS. If there is a violation of any provision of the UNCLOS, you can go the dispute settlement mechanism, under Part 15 of the UNCLOS.”

Aniya, kapwa pinagtibay ng Pilipinas at China ang UNCLOS kaya nasasakop ang dalawang bansa sa lahat ng probisyon ng kasunduan nang hindi nagbibigay ng reserbasyon sa anumang bahagi ng dokumento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply