Unha-3 rocket ng NoKor nakaporma na

NAKAPORMA na ngayon ang Unha-3 rocket na ilulunsad ng North Korea sa pagitan ng Abril 12 hanggang 16.

Batay sa ulat ng Associated Press, naiposisyon na ng mga space officials ng NoKor ang long-range rocket nito sa Sohae Satellite Station sa Tongchangri bilang paghahanda sa paglulunsad nito.

Ayon sa North Korea, ang paglulunsad ng Unha-3 rocket sa nasabing petsa ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng kaarawan ng North Korean founder Kim Il Sung.

Hinimok naman ng U.S., Japan, Britanya at iba pang mga bansa na huwag nang ituloy ng North Korea ang paglulunsad ng rocket at binalaan na ito’y malinaw na paglabag sa U.N resolutions at pangako ng NoKor noon na hindi sila makikilahok sa mga nuclear at missile activity.

Samantala, sinabi naman ng Pyongyang na sa kabila ng utos ng Japan at South Korea na pababagsakin nila ang rocket ng NoKor kapag naging banta sa kanilang teritoryo, na deklarasyon ng giyera ang gagawing pag-intercept ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply